Genesis 36:31-43

Ang mga Hari ng Edom

(1 Cro. 1:43-54)

31Ito ang mga hari ng Edom noong panahon na wala pang mga hari ang mga Israelita:

32Si Bela na taga-Dinhaba na anak ni Beor ay naging hari sa Edom.

33Pagkamatay ni Bela, pinalitan siya ni Jobab na anak ni Zera na taga-Bozra.

34Pagkamatay ni Jobab, pinalitan siya ni Husham na taga-Teman.

35Pagkamatay ni Husham, pinalitan siya ni Hadad na taga-Avit na anak ni Bedad. Si Hadad ang tumalo sa mga Midianita roon sa Moab.

36Pagkamatay ni Hadad, pinalitan siya ni Samla na taga-Masreka.

37Pagkamatay ni Samla, pinalitan siya ni Shaul na taga-Rehobot na malapit sa ilog.
ilog: o, Ilog ng Eufrates.


38Pagkamatay ni Shaul, pinalitan siya ni Baal Hanan na anak ni Acbor.

39Pagkamatay ni Baal Hanan na anak ni Acbor, pinalitan siya ni Hadad na taga-Pau. Ang asawa niya ay si Mehetabel na anak ni Matred at apo ni Me-Zahab.

40 41 42 43
The text of verses 40-Gen 36:43 has been merged.
Si Esau (na tinatawag ding Edom) ang pinagmulan ng mga Edomita. At ito ang mga naging pinuno sa mga lahi ni Esau na ang angkan at lupain ay ipinangalan sa kanila: Timna, Alva, Jetet, Oholibama, Elah, Pinon, Kenaz, Teman, Mibzar, Magdiel, at Iram.

Copyright information for TglASD